Posts

Image
  Alahas, balat at adobe, kontribusyon ng Meycauayan sa agham at kulturang Pilipino KAALINSABAY ng kapistahang ipinagdiriwang nang maraming bayan sa bansa na may patron ng San Juan Bautista isa sa mga matandang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang nakatatak sa isipan  nang sambayanan ng agham kung ang pagbabatayan ay teknolohiya, kalakaran at paggawa. Matatandaang maka ilang ulit na natulungan ng Department of Science and Technology (DOST) ang industriya ng pag aa alahas sa ngayo’y Lungsod ng Meycauayan sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP). Sa programang ito nang kagawaran ng agham tinutulungan ang mga maliliit na naghahanapbuhay upang mai angat ang kalidad ng kanilang mga produkto upang maging competitive ito sa pandaigdigang pamilihan. Sa bahaging ito tinagurian nga ang lungsod at nakilala ito sa Hub of Jewelry making in Asia, wika ng mga jewelry traders buhat sa ibat-ibang bahagi ng Asya, dinadala sa lungsod ang mga raw and precious gems upang i-p